(Kabacan,
North Cotabato/March 22, 2012) ---Dalawang mga atleta na buhat sa Kabacan,
North Cotabato ang magrerepresenta sa Cotabato province sa palarong Pambansa
2012 sa larangan ng swimming.
Ito
matapos na makuha nina Philip Angelo “Budi” Garcia ang apat na silver awards at
Daniel Baidiango ang 6 silver at 1 bronze sa swimming event sa katatapos na Cotabato
Regional Athletic Association (CRAA) na pormal ng nagtapos kahapon kungsaan
nito pang March 17 nagsimula na isinasagawa sa lungsod ng Koronadal.
Abot
sa 4,000 na mga delegado ang lumahok sa nasabing sports event mula sa
iba’t-ibang lugar sa Socksargen Region.
Ito na
ang pangalawang magkasunod na pagkakataon na host ng Lalawigan ng South
Cotabato ng regional meet.
Samantala,
maliban sa dalawa ilan pang mga delegado ng Kabacan ang nakakuha rin ng medalya
sa kahalintulad na event, sa boys: Bose, Phelisean, Jes na may 2 bronze medals
at 2 silver medals habang si Anulao Michael Jes naka kuha ng 1 bronze medal at
sina Escoton, Eugene Cesar ay nakakuha ng 2 silver medals.
Sa
girls category naman: Baidiango, Leeanne Dominique 3 bronze medal; Buquia,
Renele 3 Bronze; Bose, Phelicty 3 Bronze; Bose, Phency 2 Bronze at Mongas,
Katlyn Micah 1 Bronze.
Coach
–teacher Lovely Joy Sabado sa Boys habang si Teacher Mary Ann Bermudez naman sa
Boys. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento