Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Reklamo na sa susunod na taon pa diumano makukuha ng mga estudyante ng USM ang thesis na ipinagawa sa Multimedia; pinabulaanan


(USM, Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Nilinaw ngayon ni University Multi-Media Production Center, Manager Vilma Santos na hindi isang taon o sa susunod pa na taon makukuha ng mga graduating students ng University of Southern Mindanao ang kanilang thesis na ipinagawa, bagkus isang buwan lamang nila itong hihintayan.

Aniya, ang usapan nila sa mga estudyante ay babalikan nila ito sa Multi Media makalipas ang isang buwan, ibig sabihin makukuha na nila agad ang kanilang anim na kopya ng thesis sa buwan ng Abril.

Ang naturang hakbang ay una na ring napag-usapan kasama na dito si USM Pres Jesus Antonio Derije, mga council of Deans and directors, ito upang mapagaan at maibsan ang gastusin ng mga mag-aaral para sa binding ng kanilang thesis.


Subalit kung wala ng panahon pang bumalik ang mga estudyante sa unibersidad upang kunin ang kanilang mga thesis pagkatapos ng kanilang graduation, ang pamunuan na rin ng Multi Media ang bahalang mag-bibigay o mag-distrubute ng mga kopya sa concerned offices at indibidual ng mga thesis na naiwan nila sa Multi-Media.

Kinumpirma din ni Santos na noon pang buwan ng Pebrero pinag-usapan ang polisiyang ito at pormal na ipinalabas ang memo galing sa tanggapan ng director for Instruction noong a-singko ng Marso para sa lahat ng mga Colleges hinggil sa naturang panukala.

Bagama’t obligado ang lahat ng mga estudyante ng USM na ipa-bind ang kanilang thesis sa Multi media, maari pa rin umano silang makapagpa-bind ng isang kopya sa labas para sa kanilang personal na kopya.

Ang Multi-media, ay isang opisyal din na taga gawa ng mga workbook ng unibersidad.

Nabatid na ang USM ay isa sa pinakamalaking state owned-university sa bahaging ito ng Mindanao na patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng mga service erya nito. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento