Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay habang 2 sugatan sa pamamaril sa “DISCO DANCE” sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/March 19, 2012) ---Patay ang isang 23-anyos na construction worker habang dalawang iba pa ang sugatan matapos ang nangyaring pamamaril sa isang sayawan dakong alas 2:00 ng madaling araw nitong Sabado sa Makilala, North Cotabato.


Kinilala ng Makilala PNP ang namatay na si Procopio Opeleña, 23 at residente ng Barangay San Vicente, Makilala.

Habang sugatan naman ang kapatid nitong nakilala sa pangalang Raymart, 19 at ang pinsan nitong si John Mark Lagang, 21, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, hinarang umano ang mga ito habang papauwi na galing sa isang “Disco sa Bayan” ng armadong suspetsado na sakay sa Motrosiklo.


Kinilala ni Rick Albores, isa sa mga nakaligtas sa nasabing pamamaril, ang suspek na si Roger Binigay, isa sa mga sinasabing civilian guards sa nabanggit na lugar.

Unang, pinaputukan umano ni Albores si Lagang na tinamaan sa kanyang balikat at sa ulo naman tinamaan si Procopio habang sa dibdib at kanang braso naman si Raymart.

Dead on the spot naman si Procopio habang mabilis naming isinugod ang dalawang disco-goers sa Makilala Medical Specialist Center para mabigyan ng karampatang lunas.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang mga basyo ng bala ng caliber 28 revolver na ginamit ng suspek sa pamamaril.

Agad namang nagsagawa ng Man-hunt operation ang Makilala PNP kontra sa suspek na si binigay na mabilis naming umiskapo papalayo sa pinangyarihan ng insedente. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento