Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Zonal Center para sa National Budget Compensation-461 ng mga tertiary teachers sa Region 12; nasa USM na

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 23, 2012) ---Masayang ibinalita ni USM Faculty Association Pres. Dr. Anita Tacardon na aprubado na ng Board of Regents ang paglalagay ng kauna-unahang Zonal Center sa Region 12 para sa National Budget Compensation-461 ng mga guro sa kolehiyo na ilalagay dito sa University of Southern Mindanao, Main Campus, Kabacan, Cotabato.

USM FA Pres Dr. Anita B. Tacardon

Ayon kay Regent Tacardon, na pangunahing nagpanukala ng nasabing Zonal Center, ito upang mapadali ang proseso ng promotions ng mga guro hindi lamang sa USM kundi maging sa ilan pang mga state universities and Colleges ng sakop ng naturang programa.

Aniya, matagal umano ang promotions ng mga guro noon dahil sa Region 11 pa binubusisi ang mga records ng mga ito at aabutin pa ng ilang taon bago mailabas ang resulta dahil abot kasi sa labinwalong mga paaralan ang kini-cater ng zonal center ng Region 11.


Samantala, aprubado na rin ang dagdag na support ng mga guro na mag-aaral para sa master’s degree, para sa kanilang thesis at Dissertation na itinaas mula sa dating P15,000 ay ngayon ay P30,000.00 na ito at P50,000.00 para sa thesis at dissertation support ng mga kukuha ng Doctor’s degree.

Maliban dito, ikinagagalak ding ibinalita ng opisyal ang pag-apruba ng selected faculty member para sa kanilang promotions sa ilalim ng NBC 4th cycle reclassification na may salary grade na 18 pataas. (Rhoderick Benez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento