(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Patay
ang isang 32 anyos na lalaki matapos na pinaniniwalaang binangungot habang
natutulog sa kanilang bahay dakong alas 6:00 kahapon ng umaga.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Jimy Palermo Palma, 32 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Dagupan ng bayang ito.
Agad namang dinala ang bangkay nito kahapon
sa Villa Jusa Funeral Homes, na nasa Brgy. Osias.
Nakita na lamang na wala ng malay tao si
Palma kahapon ng umaga sa kama nito sa
tinutuluyan nitong bahay sa National Highway partikular sa harap ng Yambao’s
Warehouse.
Ayon kay Dr. Sofronio Edu, Jr. wala naman
umano silang nakikitang sugat sa katawan ng biktima na posibleng may foul play
sa pagkamatay ng biktima.
Sa medical finding ni Dr. Edu lumalabas na
may acute pancreatitis ang biktima dala ng sobrang pagka-alcoholic drinker
nito. (Rhodz Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento