Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 24, 2012) ---Tatalakayan sa gagawing forum ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o COTELCO ang dagdag na singil sa kuryente ngayong buwan na gaganapin sa USM Hostel, USM compound, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ngayong umaga.
Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio kungsaan imbitado sa naturang pagpupulong ang mga nasa kategoryang big loads sa bayan ng Kabacan o yaong mga industrial, commercial at iba pang kahalintulad nito na kumukonsumo ng malaking supply ng kuryente.
Dito rin ipipresinta ng pamunuan ng Cotelco ang mga kadahilanan ng pagtaas nila ng singil ng kuryente.
Sinabi rin ng opisyal na welcome ang sinumang mga konsumedures ng cotelco upang ipabatid ang nasabing rate hike ng cotelco ngayong buwan.
Una rito, mariing namang tinututulan ngayon ng power consumer’s ng North Cotabato ang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC na payagan ang Cotelco magpataas ng singil sa kuryente, simula ngayong buwan.
Ito ang apela ngayon ng pinuno ng nasabing grupo na si Judge Alexander Yarra sa Energy Regulatory Commission o ERC.
Dahil dagdag pasanin na naman ito sa mga konsumedures.
Ayon kay Judge Yarra may natitira pa umanong panahon para isumite nila sa ERC ang kanilang apela.
Kaugnay nito, inihayag naman ng pamunuan ng Cotelco na kahit may apela pa mang nakabinbin sa ERC, tuloy na ang taas sa singil sa kuryente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento