Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kolektor ng isang lending firm, hinoldap sa Matalam, Cotabato; pera at cellphone -tinangay ng mga suspek

(Matalam, North Cotabato/January 25, 2012) --- Biktima ng pangho-hold-up kamakalawa ng hapon ang kolektor ng Livingstone Lending Investor Inc., isang lending firm sa Kidapawan branch.
Nakilala ang kolektor na si Jasper Hondus Alvarez, 30 years old, residente ng Brgy. Lower Malamote, Matalam, Cotabato.
Nangyari ang pangho-hold-up dakong ala-una kuwarenta ng hapon sa nahagi ng Barangay New Pandan ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya nabatid na papaliko na sana ang biktimang si Alvarez sakay ng kanyang kulay pulang Honda Wave motorcycle nang harangin ng dalawang armadong lalaki at agad na nagdeklara ng hold-up.
Sa kuwento naman ng biktima, galing umano siya sa Barangay New Pandan at papunta sanang Sitio Patnungon sa bayan ng Matalam ngsapilitang tangayin ng mga salarin ang nakolekta nitong pera na nagkakahalaga ng 3,000 pesos, kasama ang isang unit ng 5130 na cellphone at susi ng kanyang motorsiklo.
Maswerte naman at hindi kasama sa mga kinuha ang kanyang motorsiklo. Agad na tumalilis ang mga suspek patungo sa masukal na bahagi ng plantasyon ng tubohan sa lugar.
Dagdag pa ng biktima, gamit ng mga suspek sa panghoholdap ang isang kalibre KUWARENTAY-SINGKONG baril at lagaraw.
Dahil dito, may hinala ang pulisya na posibleng nakatira lamang malapit sa lugar ang mga suspek at posible ding mga trabahante ang mga ito ng kalapit na tubuhan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Matalam PNP upang tukuyin ang mga suspek at nang masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso. (with report from Virgilio Abatayo)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento