Written by: Written by: Rhoderick Beñez
(Matalam, North Cotabato/January 23, 2012) --- Bagama’t aprubado na ng Energy Regulatory Commission o ERC na payagan ang Cotelco magpataas ng singil sa kuryente, simula ngayong buwan, tuloy pa ring mag-aapela ang grupo ng mga bantay konsumo sa North Cotabato upang di maipatupad ang power hike nila.
Ito ayon sa grupo ng mga power consumers sa North Cotabato na tutol sa rate hike na pinamumunuan ni Judge Alexander Yarra.
Ayon kay Judge Yarra may natitira pang panahon para isumite nila sa ERC ang kanilang apela.
May panukala rin ang grupo nila na mabago ang kategorya ng Cotelco para mas mababa ang singil sa kuryente sa North Cotabato.
Kaugnay nito, inihayag naman ng pamunuan ng Cotelco na kahit may apela pa mang nakabinbin sa ERC, tuloy na ang taas sa singil sa kuryente. Sinabi ng tagapagsalita ng Cotelco na si Vincent Baguio, ngayong January billing magri-reflect na ang power rate adjustment.
Napag-alaman mula kay Baguio na mas pinagaan umano ang rate hike dahil ang labing-tatlong sentimo na dagdag sa kada kilowatt hour na singil sa kuryente ay hahatiin sa tatlong taon.
Ito rin ang kinumpirmang ihayag ni Cotelco general manager Engineer Godofredo Homez.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento