Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Emergency Philhealth para sa mga residente ng Kabacan, muli ng magagamit

(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2012) ---Sinabi ngayon ni Municipal Philhealth coordinator chief Joseph Maganaka na muli ng magagamit ang emergency PhilHealth para sa mga residente ng Kabacan makaraang pansamantalang di ito magamit simula noong Enero a-dos.

Ito ay makaraang inaasikaso pa nila ang mga papeles at ilan pang dokumentong dapat isumite sa probinsiya sa pagsara ng fiscal year nitong nakaraang taon.

Kaugnay nito ang nasabing supplemental o emergency Philhealth ay tugon para sa mga indigents na nangangailangan agad ng tulong partikular na para sa mga accidental na pagpapa-ospital.

Una rito, nilanaw ng nasabing pamunuan na covered lamang ng nasabing benepisyo ang mga confined sa ospital na pasyente.

Sinabi pa ni Maganaka na ang Supplemental Philhealth ay sa ilalim ng cotabato Health Insurance Program.

Inihayag  pa ng opisyal na walong government hospitals ang covered ng gobyerno dito sa probinsya.

Samantala, nananawagan rin si Maganaka sa lahat ng mga nagnanais na makakuha ng scholarship ng probinsiya partikular na sa mga graduating high school students ng probinsiya na bukas na ang tanggapan ng provincial office para tumanggap ng aplikante hanggang katapusan ngayong buwan ng Enero.

Habang, itinakda naman ang final briefing ngayong Pebrero 13-14 at gagawin ang final examinations sa a-15 sa buwan ng Pebrero.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento