Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Diyalogo sa 2 naglalabang grupo sa North Cotabato; isasagawa

Written by: Rhoderick Beñez

(M’lang, North Cotabato/January 26, 2012) ---Nais ngayon ng dalawang nag-aaway na grupo sa M’lang, North Cotabato na magsagawa ng isang dayalogo o peace talk para matuldukan na ang hidwaan sa kanilang lugar.

Ito ang kapwa pahayag nina Commander Gani Saligan at Commander Noa Sabel Manwang – kapwa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para matigil na ang kanilang armadong bakbakan.

Ayon sa report, pansamantalang nagtayo si Commander Saligan ng kampo sa may Barangay Rangaban, halos 10 kilometro ang layo mula sa Barangay Dugong sa bayan ng M’lang, North Cotabato – ang lugar kung saan nagkabakbakan noong Huwebes ang grupo niya at ang grupo ni Commander Manwang.    

Bitbit pa rin ng nasabing grupo ang kanilang mga de-kalibreng armas kungsaan ginamit na temporaryong outpost nina Commander Saligan ang isang bahay sa gitna ng palayan sa naturang Barangay.

Samantala, nananatili naman sa Barangay Dugong si Commander Manwang at mga tauhan niya na armado rin ng mga de-kalibreng armas.

Maging si Commander Manwang ay naghayag din ng kahandaan ng dayalogo sa grupo ni Commander Saligan.

Pagod na umano sa nabbing kaguluhan ang kapwa grupo kungsaan sinabi rin ni MILF Commander Saligan, na nais nilang bumalik sa kanilang tahanan at mamuhay nang tahimik.
          
Pagod na rin sila sa giyera na noon pang dekada ’90 nagsimula.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento