Written by: Karol Jane Geolingo
(Kabacan, North Cotabato/January 26, 2012) ---Namahagi ang Agricultural Training Institute o (A.T.I) ng puhunan sa mga 4-H club members ng Barangay Pisan, Dagupan at Cuyapon, para sa Livelihood Project.
Ang bawat puhunan na ipinamahagi ng (A.T.I) ay ibibili ng mga alagang hayop tulad ng baka at pagtutulungang alagaan at padamihin ng mga kabataan.
Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga kabataan sa nabanggit na mga barangay at makaagapay sa kanilang pamumuhay, imbes na malulong sa mga masamang bisyo.
Kaugnay dito, patuloy parin ang proyekto ng Municipal Planning Development Office ng Kabacan ukol sa Ligawasan Reforestation Project sa ilalim ng DENR at pakikipag-ugnayan ng Kabacan LGU at Municipal Agriculturist.
Mabatid na umaabot sa 125 hecatres sa boundary ng Cuyapon at Ligawasan ang natamnan na ng nipa, pandan at iba’t-ibang klase ng mga punong kahoy.
Layon ng proyektong ito na maprotektahan ang mga residente ng Cuyapon laban sa posibleng pagbabaha sa kanilang lugar sa tuwing umaapaw ang ilog.
Bukod dito, malaking tulong ang proyektong ito sa kabuhayan ng mga residente dahil may mapagkukunan na sila ng mga gagawing atip na gawa sa nipa na maaari nilang mapagkakitaan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento