(Amas, Kidapawan City/January 26, 2012) ---Lumagda sa isang Memorandum of agreement o MOA si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at si USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije sa Governor’s Office sa Cotabato Provincial Capitol, Amas, Kidapawan city.
Ang nasabing MOA ay ang pagbibigay ng pamahalaang probinsiya ng laboratory facilities sa USM na nagkakahalaga ng 4M.
Ito ay para mapa upgrade ang Mobile Vet Clinic ng College of Veterinary Medicine o CVM at ang Agriculture Mobile Laboratory ay gumagarantiya ng mababang bayarin sa health clinic para sa mga alagang hayop at nag-aalok din ng teknikal na tulong sa mga magsasaka.
Ang naturang CVM Mobile Vet clinic ay nagnanais na maabot ang mga lugar ng probinsya at nag-aalok ng maginhawa at malapitang klinika na makabibigay ng health care services para sa kanilang mga alagang hayop,baka at manokan.
Sa kabilang dako, ang Agriculture Mobile Laboratory naman ay naglalayon na magsasagawa ng diagnostic na serbisyo para sa mga nutritional management ng mga palm oil, rubber at iba pang mga pananim.
Ang mga serbisyo na maibibigay sa mga mamamayan ng kabacan lalo na dito sa unibersidad, ay sa ilalim ng pangangasiwa ng provincial government at ng USM, ay magpapatuloy hanggang limang taon , maliban kung ito’y malulutas ng parehong partido.Habang ang nasabing gastos para sa pagpapa upgrade ng parehong mobile facilities ay nagkakahalaga ng P2M kada isa na inilabas mula sa 20% na General funds ng probinsiya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento