Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 28, 2012) ----Nais ngayon ng mga konsehal ng bayan ng Kabacan na madagdagan ang mga law enforcer sa National Highway makaraang marami pa rin sa mga pasaway na namamasada ang naglalagay ng mga illegal na terminal sa Highway.
Ito ang inirekomenda ng ilang mga mambabatas at maging ni ABC President Herlo Guzman sa isinagawang regular na session ng Sanggunian kaninang umaga.
Kaugnay nito, nais din nina Councilor Edmundo Apuhin, Councilor Datuan Macalipat, Datu Masla Mantawil at Rolly Dapon na madagdagan ng mga task force, PNP police, traffic officer at ng LTO agents ang highway para mas higpitan ang pagbabantay kontra illegal na terminal.
Para matuldukan ang nasabing isyu, magpapatawag ang sanggunian ng pagpupulong sa lahat ng mga transport sector sa Kabacan kasama si Kabacan Mayor George Tan.
Una na ring gumagawa ng hakbang ang acting Municipal Economic Enterprises Development Officer/Market Supervisor Edne Palamero, upang maresolba ang problemang ito pero marami pa rin sa ilang mga drivers and operators ang kanilang napapansin na di sumusunod sa ordinansa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento