Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 34 milyong halaga, ilalaan para sa proyektong: Rehab and concreting roads dito sa Kabacan

Written by: Karol Jane Geolingo

(Kabacan, North Cotabato/January 28. 2012) ---- Abot sa 34 na milyon ang proyektong Rehab and concreting road dito sa bayan ng Kabacan. Ang 90% ng naturang halaga ay nanggaling sa MRDP at 10% naman ang mula sa LGU Kabacan.

Kung saan, aayusin at sesementuhin ang mga sentrong bahagi ng barangay Salapungan na may kahabaang 1km, Pedtad 600meters, Buluan 600meters at Nangaan 1km.

Ang proyektong ito ay gagawin sa mga nabanggit na barangay, upang mas mapapadali ang pagbyahe at pagpapalabas ng kanilang produkto doon, upang hindi narin mahihirapang makapasok ang mga investors at para mas mapapaganda ang kalsada sa mga nabanggit na barangay.

Ayon naman kay Plan Development Officer Gerald Antonio, dalawang linggo simula ngayon, aayusin narin ang daanan sa sinamar one, kung saan ito ay may kahabaang 550 meters, sa pakikipag-ugnay ng LGU, upang hindi na magrereklamo ang mga residente at mga dumadaan sa naturang kalye.

Kaugnay dito, Isinusulong na rin ang Comprehensive Drainage System ng Kabacan, kung saan bibigyang atensyon ang mga lugar dito sa bayan na madalas binabaha. Ang proyektong ito ay isasagawa upang mabawasan, maibsan at mabigyang solusyon ang mga problemna ukol sa pagbabahang nangyayari sa tuwing malakas ang tubig.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento