Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militanteng Kabataan Nanguna sa Noise Barrage

(Kabacan, North Cotabato/January 26, 2012) --- Pangungunahan ng mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan ang isang pagkilos kaugnay sa pagtatapos ng isang linggo na paggunita sa makasaysayang pambansang linggo ng kabataan o National Youth Week.

Isang NOISE BARRAGE ang ikakasa ng mga militanteng grupo bilang panapos sa serye na mga aktibidad nito kasabay ang mga kabataan at estudyante sa ibat-ibang panig ng bansa na nakatakdang umungos rin mula sa kani-kanilang mga paaralan patungong lansangan.

Ani Darwin Rey Morante, tagapagsalita ng grupong ANAKBAYAN huling araw man ng paggunita sa makasaysayang kontribusyon ng mga kabataan ngayong araw hindi umano kelanman magtatapos ang paggampan ng mga ito sa kanilang tungkuling pagsilbihan ang sambayanan at hikayatin ang mga ito na makibaka para sa kani-kanilang mga karapatan at kagalingan.

Sa papahirap na kalagayan ng sambayanang Pilipino bunsod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at presyong petrolyo at ang sistematikong pagtapyas ng pondo sa mga panlipunang serbisyo kasama ang edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pa ang magtuturo sa mga mamamayang Pilipino at sambayanang Moro na sumama sa pagmamartsa ng kasaysayan patungo sa isang lipunang walang pagsasamantala. Dagdag ni Morante.

Pahayag rin ni Sir Stephen Maverick Cruda ng League of Filipino Students na ang pag-iingay diumano ng mga kabataang estudyante sa huling araw ng paggunita sa pambansang linggo ng mga kabataan ay isang anyo lamang ng pagrerehistro at ipagkaisa ang pakikibaka ng malawak na hanay nito sa matagalang pakikibaka ng mga mamamayan sa ilalim ng sistemang kapitalismo na umabot sa pagmomonopolisa at nakakubabaw sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistemang panlipunan katulad ng Pilipinas.

Aniya, hangga’t nananatili diumano ang isang sistemang panlipunan na nagsisilbi sa dayuhan at lokal na naghaharing uri ang lahat ng mga pangarap ng mga kabataang estudyante ay magiging pangarap na lamang at hindi imposibleng lumala ang exodus ng mga manggagawang Pinoy.

Aniya, hangga’t nananatili diumano ang isang sistemang panlipunan na nagsisilbi sa dayuhan at lokal na naghaharing uri ang lahat ng mga pangarap ng mga kabataang estudyante ay magiging pangarap na lamang at hindi imposibleng lumala ang exodus ng mga manggagawang Pinoy.

Iginiit rin ni Leah Joy Pasion ng Gabriela Youth na ang pagtatapos ng National Youth Week ay magsisilbing panandang bato sa paglahok ng mga kabataang kababaihan sa pakikibaka ng sambayanan at patutunayan diumano ng mga ito na ang mga makabagong Gabriela ng ating panahon ay kabalikat ng sambayanan sa pagkamit ng tunay na kasarinlan.

Nag-iwan rin ng hamon ang mga kabataan sa rehimeng US-Noynoy na hindi lamang ganitong pagkilos ang ilulunsad ng mga ito upang kalampagin at singilin ang rehimen sa mga huwad na mga programa nito sa mahigit isang taong panunungkulan nito sa sambayanang Pilipino.

Kaugnay nito, sisimulan ng mga militanteng grupo ang pagkilos alas 4 ng hapon ngayong araw sa harap ng USM gate para sa isang maikling programa at lalakbayin nito ang kahabaan ng USM Avenue patungo sa harap ng BOTIKA PRINCESS para naman sa isang maikling seremonya

0 comments:

Mag-post ng isang Komento