Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ikalawang yugto ng Tree Planting sa Kabacan; niluluto na ng MENRO

(Kabacan, North Cotabato/January 25, 2012) ---Tinungo kaninang umaga ng Kabacan Municipal Environment and Natural Resources  o MENRO at opisina ng Protective Relief and Recovery Operation Project Management kasama ang mga kinatawan ng World Food Program, ang Brgy. Pisan para pangasiwaan ang isang orientation program patungkol sa gagawing tree planting activity sa lugar.
Ito ay pinangunahan ni Ginoong Trikie Pangato, assigned Community Organizer ng KAbacan at Libungan.
Layon ng nasabing aktibidad na ipaalam sa mga residente ng Brgy. Pisan lalo na ang mga naapektuhan ng mga nagdaang kaguluhan kung papaano ang tamang pagtatanim ng mga punong kahoy at kung papaano ang mga ito alagaan.
Matatandaan, na nakipag-ugnayan ang MENRO Kabacan at Office of the Protactive Relief and Recovery Operation Project Management sa United Nations sa ilalim ng programang World Food Program para sa gagawing aktibidad sa naturang Barangay.
Ayon kay Community Organizer, Trikie Pangato, sinusuportahan ng U-N-W-F-P ang mga environmental programs gaya ng pagtatanim ng mga assorted na punong kahoy, tulad ng Narra, Acacia at Mahoganny sa pamamagitan ng pagbibigay limang kilong bigas sa bawat indibidwal na lalahok sa programa. (with report from Lesly Grace Caballes)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento