Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cataract operation program, tuloy- tuloy sa unang distrito ng North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/January 24, 2012) ---Magpapatuloy ang programang Liwanag para sa Kapayapaan- eye cataract operation para sa mga residente ng unang distrito ng lalawigan ng North Cotabato ngayon taong 2012. Ito ang sagot ni First Congressional District Office Special Operations Focal Person Benny Queman kaugnay sa mga katanungan ng iba’t- ibang sektor tungkol sa pagpapatuloy ng programa.

Ayon kay Queman, magpalista lamang umano sa tanggapan ni Cong. Jesus N. Sacdalan upang mabigyan ng schedule ng libreng eye check- up at ang mismong petsa ng operasyon.

Matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang mata, nagpapa-abot naman ng pasasalamat si Jessie Cambar, 37- anyos at residente ng Barangay Kiaring, Banisilan, North Cotabato sa suportang natanggap nito para sumailalim sa libreng eye- cataract operation.

Ang programang ito ay magkatuwang na isinasagawa ng tanggapan ni Cong. Sacdalan, DEAR o DEseret Ambulatory Referral Center sa Kabacan at ng Mabuhay Deseret Foundation.

Nais ding ipaabot ng DEAR Center Kabacan na bukas sila tuwing alas nuebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa mga araw ng Lunes, Huwebes, at Sabado para sa konsultasyon. May libre namang cataract screening tuwing araw ng Biyernes.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring tumawag sa telepono bilang 391- 1559 o di kaya ay kontakin ang cellphone number 0933- 3454- 195.

Bago pa man ang takdang araw ng operasyon, pinapaalalahanan rin ang mga pasyente na asikasuhin ang kanilang PhilHealth upang mas mabilis ang pagproseso ng mga papeles ng operasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento