Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 25, 2012) ---Aminado si Cotabato Electric cooperative OIC Manager Engr. Godofredo Homez na ang taong 2012, 2013 hanggang 2015 ay mas makakaranas pa ng energy crisis ang Mindanao dahil sa lumalaking demand sa supply ng kuryente.
Ito kapag wala pa umanong mga dagdag na planta para sa power generation na magsusuplay sa bahaging ito ng Mindanao.
Napag-alaman na nito pang January 5 ay nasa negative 19megawatts na ang reserved capacity ng power system sa Mindanao.
Ito rin ang dahilan ayon kay cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio kung bakit nagpapatupad sila ng load curtailment.
Kaugnay nito, pag-aaralan pa ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang pagbili ng dagdag na megawatts sa supply ng kuryente upang sa ganun ay mapunan ang load curtailment na ipinapatupad ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Isa lamang ito sa mga tinalakay sa isinagawang forum ng Cotelco sa USM Hostel, USM compound kaninang umaga na dinaluhan ng ilang mga komukonsumo ng malaking loads sa bayan ng Kabacan.
Ayon kay OIC Manager Engr. Godofredo Homez, malaki umano ang demand sa supply ng kuryente sa ngayon at nasa yellow alert na ang NGCP kung kaya’t kailangan nilang mag-curtail sa supply ng kuryente.
Para maibsan ang power interruption a mga service erya ng cotelco, iginiit ngayon ni Homez ang pagbili sa mga power barge kagaya ng sa Aboitez na pribadong kompanya na nag-gegenerate ng power supply.
Bagama’t masisiguro ng cotelco na walang mararanasan power supply kung bibili sa Therma Marine Incorporated, dagdag pasanin naman sa bayad sa generation charge nito na aabot sa .45 na centavos sa kada kilowatt hour na konsumo ng mga member consumer.
Kaugnay nito, aminado naman si Engr. Homez na ang taong 2012, 2013 hanggang 2015 ay mas makakaranas pa ng energy crisis ang Mindanao dahil sa lumalaking demand sa supply ng kuryente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento