Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North cotabato/January 28, 2012) Kabilang ang brgy. Pedtad at Nangaan sa mga lugar na benepisyaryo ng Pabahay ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA project sa Kabacan, Cotabato.
Ito ang napag-alaman mula sa tanggapan ng Municipal Planning and Development Office na pinangungunahan ni MPD Officer Buenaventura Pacania sa impormasyong nakalap ng DXVL Radyo ng bayan kahapon.
Sa panayam kay Harold James dela Cerna, staff ng nasabing opisina magsasagawa sila ngayong araw ng brgy. Assembly para ipabatid sa mga residente ng nabanggit na lugar kung anu ang dapat gawin para ma-avail ang nasabing PAMANA program.
Ang nasabing programa na pinondahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ay naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga Internally displaced Person’s dahil sa mga nakaraang kaguluhan sa lugar.
Layon nito na makapagbigay ng mga core shelters o pabahay sa mga ito.
Kung matatandaan natukoy kasi ang brgy Nangaan at Pedtad sa mga apektadong brgy. ng Kabacan sa nakaraang giyera ng dalawang naglalabang grupo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento