Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang pampublikong paaralan sa Matalam; niransak, iba’t-ibang mga gamit natangay ng mga salarin

(Matalam, North Cotabato/January 26, 2012) --- Kalabuso sa Matalam PNP ang suspek sa panraransak sa isang pampublikong paaralan sa Matalam, North Cotabato kamakalawa ng di pa natukoy na oras.

Kinilala ni P/Insp Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspetsado na si Albert Sagutum Sadji, labing anim na taong gulang, walang trabaho at residente ng barangay Pinamaton, Matalam North Coatabato.

Ayon sa report, niransak umano ng nasabing suspek ang Pinamaton Elementary School sa nasabing bayan kungsaan sinira umano ng suspek ang backdoor sa H.E. na gusali ng nasabing paaralan at ginalugod ang naturang silid aralan at nilimas ang isang DVD Cassette Player, isang kumot at T-shirt at marami pang iba.

Sa salaysay ng mga guro sa Matalam PNP na sina Jeany Amilador, Rio Soriano at Jojo Pajarillo, na nuong Enero dese-nuwebe pa umano ninakaw ng suspek ang mga naturang gamit na nagkakahalaga ng labing dalawang libong piso.

Agad namang nasakote ng mga otoridad ang suspek at nabawi naman ng mga guro ang mga gamit na ninakaw ng suspek, at desidido din silang sasampahan ng kaso ang naturang suspetsado.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento