Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2nd year student ng USM, pumanaw dahil sa Cancer

Written by: Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 23, 2012) ----Tuluyan ng iginupo ng kanyang sakit na bone cancer ang isang mag-aaral ng University of Southern Mindanao na nakilala sa pangalang Alex Anthony Ocampo, 2nd year Agri Business student ng College of Business Development and Economic Management o CBDEM, at residente ng Columbio, Sultan Kudarat.

Para sa kanyang mga kaibigan si Ocampo ay isang bibong mag-aaral ng pamantasan na aktibo lalong lalo na sa pagsasayaw, nu’ng ito ay nabubuhay pa.

Sa panayam ng DXVL –Radyo ng Bayan sa nakakatandang kapatid nitong si Alex, mag-dadalawang taon na umanong nasa malubhang kalagayan ang bunsong kapatid nila na ang bone cancer ay nasa stage 4 na.

Na naging dahilan sa pagtigil nito sa pag-aaral at pagsasayaw.

Nagdusa si Ocampo dala-dala ang karamdaman nito at noong Sabado ng gabi ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Magkahalong emosyan naman ang nararamdaman ng mga kapamilya, kaibigan at mga nakakakilala nito, bagama’t nalulungko’t ayon naman sa kuya nito, masaya na rin siya sa pagkamatay ng kapatid ito upang makapahinga na rin ito sa malubhang karamdaman na dinadala niya ng mahigit na ilang taon na.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento