Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamamahagi ng Binhi ng Palay at Mais, Isasagawa ni Gov. Mendoza sa Carmen at Matalam, Cotabato

(Amas, Kidapawan City/January 23, 2012) --- Nakatakdang mamahagi ng mga binhi ng palay at mais si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliňo-Mendoza sa mga magsasakang sinalanta ng mga nakaraang pagbaha sa mga mga bayan ng Carmen sa Martes - January 24, 2012 at sa Matalam naman sa Miyerkoles – January 25, 2012., ito ayon sa report ni Provincial correspondent for agriculture Ruel Villanueva.

May kabuuang 606 bags ng open pollinated variety ng binhi ng mais at 367 bags ng certified palay seeds ang ipamamahagi ni Gov. Mendoza sa kahalintulad ding bilang ng magsasaka sa mga nabanggit na bayan.

Kasama rin ng Gubernadora ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist ng lalawigan na pinangungunahan ni Engr. Eliseo M. Mangliwan, ang OIC Provincial Agriculturist, at ang mga LGU at barangay officials ng Carmen at Matalam.

Layunin ng nasabing pagkakaloob ng binhi na makapagbigay ayuda sa mga magsasaka na labis na naapektuhan ng nakaraang pagbaha upang makabangong muli at maibsan ang kanilang mataas na gugulin sa kanilang muling pagtatanim ng palay at mais.

Ang nasabing ayuda ay bahagi ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan na isasagawa sa Municipal Agriculturist’s Office compound ng Carmen sa ganap na ika-pito ng umaga sa araw ng Martes samatalang sa Miyerkoles naman ito ay gaganapin sa Municipal Mayor’s Office compound sa Matalam sa gayunding oras sa umaga.

Ang detalye ng ipamamahaging binhi ng mais at palay sa dalawang bayan ay ang mga sumusunod. Tatanggap ang mga magsasaka ng Carmen     456 bags ng OPV corn seeds at 219 bags ng certified rice seeds samantalang sa Matalam naman ay 150 bags ng OPV corn seeds at 148 bags ng certified palay seeds.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento