Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 na sugatan sa pagsabog ng granada sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ December 5, 2015) ---Lima katao ang naiulat na sugatan sa pagsabog ng granada sa Rotonda area papuntang Palengke sa Poblacion ng Matalam, North Cotabato mag-aalas 11:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang mga sugatan na sina: Macmod Kanacan, 24-anyos, isang drayber at residente ng Kilada, Matalam; Kensed Dilangalen, 32-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao; Dan John Anam, 28-anyos ng Taguranao, Matalam; Geraldo Peralta Jr., 44-anyos, Poblacion, Matalam at isang Sharon Diaz Bolante, 35-anyos, negosyante at residente ng Poblacion sa bayan ng Matalam.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, posibleng ang tricycle driver na si Kanacan ang target ng naturang pagsabog.

Sa salaysay kasi ni Kanacan sa mga otoridad ilang mga nakamotorsiklo na ang uma-aligid-aligid sa kanya bago pa nangyari ang insidente.

Samantala, agad namang dinala sa Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City ang mga sugatang biktima na agad namang nilapatan ng medikal na atensyon.

Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente.


Sinabi ni SPO2 Froilan Gravidez, head ng operation ng Matalam PNP na nangyari ang insidente ilang linggo bago ang kapiyestahan sa bayan ng Matalam. Sa ngayon mas lalong hinigpitan ang seguridad sa bayan ng Matalam. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento