Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P45K na halaga ng shabu, nasamsam sa isang tulak droga sa Matalam, NCot; kalibre .45 na pistol narekober malapit sa bahay ng suspek

(Matalam, North Cotabato/ December 3, 2015) ---Arestado ang isang 35-anyos na lalaki na sangkot sa pagtutulak ng illegal droga makaraang halughugin ng mga kapulisan ang bahay nito sa inilatag na drug raid sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 11:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Lance Mangacop Mamalangkay ‘alias’ stanless, 35-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Nahuli ang suspek batay sa search warrant na inisyu ni Hon. Judge Laureano Alzate, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 22, Kabacan, Cotabato.


Narekober sa loob ng bahay ng suspek ang ilang mga drug paraphernalias kagaya ng mga residue ng plastic heat sealed sachets, mga lighters, improvised tooter at shabu na tumitimbang ng 5.0 grams na may market value na P45,000.00. ayon sa pagtaya ng mga kapulisan.

Samantala, isang kalibre .45 na pistola, pitong mga bala at isang magazine ang narekober ng mga kapulisan sa kasagsagan ng drug raid sa bahay ni Mamalangkay ilang metro lamang ang layo mula sa bahay nito.

Ayon sa report, posibleng iniwan ng mga suspek ang nasabing baril ng mag sagawa ng drug raid ang Matalam PNP at ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato Provincial Public Safety Force sa pamumuno ni P/Supt. Jerson Birrey.

Sinabi ni SPO2 Froilan Gravidez, head ng Operation ng Matalam PNP na inihahanda na nila ang kasong kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez, Jayson Remo & Therese Xyra Tito


0 comments:

Mag-post ng isang Komento