(Kabacan,
North Cotabato/ December 3, 2015) ---Muling na depensahan ng Boy Scouts ng
University Laboratory School ng University of Southern Mindanao buhat sa bayan
ng Kabacan ang kanilang titulo ngayong taon.
Batay
sa ulat, muling nakamit ng pangkat ng ULS Boy Scouts ang Over-all Champion at
tinaguriang GRAND SLAM sa katatapos lang na 41st Council Jamboree sa Camp Bulatukan, Makilala, Cotabato.
Namayagpag
ang nasabing koponan sa iba’t-ibang patimpalak kungsaan itinanghal na 1st
place sa mga sumusunod: Quiz bee, Slogan, scout law relay, compass relay, knot
tying, bandaging, choral, modern dance, sub-camp talent o rama, Senior Camp
Chief, Fancy Drill at naging best camp din sila.
Maliban
dito, nakuha din nila ang ikalawang pwesto sa acoustic, fire building &
water boiling, cheerdance, grand camp, Formal Drill 3rd at 12x most discipline.
Tinalo
ng ULS-USM ang mga naging katunggali na mahigit 40 Secondary Schools sa North
Cotabato.
Naiuwi
ng Pigcawayan National High School ang pangatlong pwesto n may 280 pts, Tulunan
National High school ang Pangawalang pwesto na may 385 pts at ang ULS-USM na
may 490pts.
Matatandaan
na naiuwi rin ng ULS-USM ang 6th place sa Fancy Drill sa National Jamboree na
ginanap sa Tagum City.
Nakasentro
ang aktibidad sa temang “Peace and Development through Scouting”. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento