(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2015)
---Tumugma ang baril na ginamit ng mga suspek na nahuli sa isinagawang ‘Oplan
Suyod’ sa bayan ng Kabacan noong Nobyembre a-27 ng madaling araw sa apat na
insidente ng pamamaril sa bayan ng Kabacan.
Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa
panayam ng DXVL News nagpositibo sa ballistic examination ang baril na nakuha
mula kay Omar Sultan alias ‘Menu’ Derby Gani ng Brgy. Lower Paatan, Kabacan.
Sinabi ng Alkalde na apat na shooting
incident ang nagawa ni Alias Derby nitong nakaraan na tumugma ang baril nito na
hawak habang ang dalawa pa nitong mga kasamahan ay nagpositibo rin sa
nangyaring pamamaslang sa bayan ng Carmen.
Dahil dito, anim na kaso ng pamamaril ang
mareresolba sa matagumpay na pagkaka-aresto kay Omar Sultan sa ginawang
operasyon ng kapulisan, militar at sa deriktiba ng punong ehekutibo ng Kabacan.
Ayon
sa opisyal, kabilang sa mga itinumba ni Alias Derby batay sa forensic
examination na isinagawa ng crime laboratory ay ang pagpatay kay Danilo Cadot
Angeles noong November 19 at tinangay pa ang motorsiklo nito sa bahagi ng Brgy.
Kayaga. Dalawa pa sa mga nangyaring pamamaril kamakailan at ang isa pa na
tinira din nito ay sa bayan ng Midsayap.
Samanatala,
iginiit naman ni Mayor Guzman na magtuloy-tuloy ang kanilang inilunsad na
‘Oplan Suyod’ ito upang lansagin at hanapin pa ang ilan sa mga organized crime
group sa bayan ng Kabacan na responsable sa mga krimeng nagyayari sa bayan
kasama na dito ang pamomomba at pamamaril.
Sa
ngayon, sinabi ng Alkalde na wala pang maituturong mastermind ang nahawak
nilang suspek kung sinu ang nag-uutas sa kanila na magsagawa ng pamamaril sa
Kabacan.
Ang
oplan Suyod sa bayan ng Kabacan ay suportado naman ni Cotabato Gov. Emmylou ‘Lala’
Taliño Mendoza kungsaan una na itong nagpahayag na magbibigay ng reward sa mga
informant. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento