Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Aktibidad sa pagtatapos ng Kawayanan Festival sa bayan ng Mlang, kasado na!

(Mlang, North Cotabato/ December 3, 2015) --- Nakalatag na ang mga aktibidad sa pagtatapos ng Kawayanan Festival sa bayan ng Mlang, bukas.

Kaugnay nito, todo bantay ngayon ang pamunuan ng Mlang Municipal Police Station sa buong area ng Mlang lalo na sa entrance at exit points ng bayan.

Ang security measures ng PNP ay bahagi sa nagpapatuloy na selebrasyon ng 7th Kawayanan Festival ng bayan na magtatapos naman sa Dec. 4, biyernes.


Sinabi ni Supt. Joefrry Todeño, hepe ng Mlang PNP, Novemebr 28 pa lang ay nagsimula nang i-deploy ang mga PNP personnel sa ibat-ibang bahagi ng Poblacion kung saan ginagawa ang mga aktibidad.

Maliban sa PNP katuwang rin nila ang 7th IB at 38th IB ng Philippine Army maging ang halos tatlong daang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT na magmomonitor sa lugar lalo na sa mga matataong area.

Hinigpitan ring lalo ng PNP ang kanilang isinasagawang highway inspection.

Plantsado na rin maging ang magbabantay sa mga parking areas pati na ang mga magche-check sa mga bags na papasok sa Municipal plaza kung saan tatlong entrance and exits lamang ang ginawa ng PNP.

Ayon kay Todenyo nais lamang nila na maging ligtas ang publiko na makikiisa sa nabangit na selebrasyon.

Inaasahan ang libu-libo katao na bibisita at dadalo sa engrandeng culmination program sa bayan ngayong darating na Biyernes.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento