(Kabacan,
North Cotabato/ December 3, 2015) ---22 araw nalang at magpapasko na kaya naman
muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection sa mga mamimili na mag ingat sa
mga bibilhing Christmas decors para iwas sunog ngayong kapaskuhan at
pagsalubong sa bagong taon.
Una
ng sinabi ni DTI Provincial Director Anthony Bravo, na kailangan munang suriin
at alamin ng mga mamimili ang mga standard products sa pagbili ng mga Christmas
lights.
Dagdag
pa nya, kailangan matignan ng mga consumer na may tatak na PS o Product
Standard sa lokal na products at ICC stickers o Import Commodity Clearance para
naman sa mga imported na produkto.
Nagbabala
narin ang BFP Kabacan sa pangunguna ni FSI Ibrahim Giuiamalon na sundin ang mga
safety tips tulad ng paglayo ng mga Christmas lights sa mga bagay na madaling
masunog, bunutin ang saksakan bago matulog o umalis ng bahay at iwasan ang
octupus connection.
Mas
mainam na mag ingat at maging alerto para iwas sunog ngayong kapaskuhan.
Kunektado
ka sa mga balita. USM DevCom Intern JP FERNANDEZ, DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento