Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga rebeldeng NPA, itinuturong responsable sa pagpatay sa isang miyembro ng CAFGU sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ December 2, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Makilala PNP hinggil sa nangyaring pagbaril at pagpatay sa isang cafgu member sa Sitio Lower Luayon, brgy. Luayon, Makilala North Cotabato noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng DXVL News kay Captain Danny Boy Tapang tagapagsalita ng 39th IB, PA knilala ang biktima na si LITO BAYAWANON, nasa hustong gulang at residente ng Magpet, North Cotabato.


Ayon sa report nagsasagawa ng visitation sa lugar ang grupo ng mga cafgu at sundalo sa lugar nang barilin ito ng pinaniniwalaang mga miembro ng New People's Army o NPA sa ilalim ng Guerilla Front 72.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kili-kili na tumagos naman sa kanyang dibdib na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na naka posisyon na ang umano mga NPA 50 metro sa lokasyon ng mga CAFGU.

Patuloy ngayong nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP kasama na ang militar.

Kaugnay nito, sinabi ni Tapang na wag ng suportahan ang mga makakaliwang grupo upang tuluyan ng maihinto ang insurhensiya sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento