Patay
ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pakilalang riding
tandem kriminal sa Dumacon Street. Poblacion Kidapawan City pasado alas syete
kagabi.
Kinilala
ni Supt. John Calinga, City Director ng Kidapawan City PNP ang biktima na si
Anjo Agtuca Gumera residente rin ng nabanggit na lugar.
Ayon
sa report nakaupo lamang ang biktima sa gilid ng daan ilang metro ang layo mula
sa kanilang bahay ng lapitan ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at agad
na pinagbabaril.
Nagtamo
ng maraming tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan mula sa di pa matukoy
na uri ng baril.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento