Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Big time” drug couriers sa Central Mindanao; arestado ng Kidapawan City PNP

(Kidapawan City/March 21, 2012) ---Arestado ng mga otoridad sa pamamagitan ng buy-bust operation nila ang dalawa katao na itinuturing na ‘big time’ drug couriers sa Central Mindanao.


Kinilala ni Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang mga suspetsado na sina Fatima Masukat at Benjie Dilangalen Payod kapwa resident eng Tunggol sa bayan ng Montawal, Maguindanao.

Ayon sa opisyal na huli ang mag-asawa sa loob ng Survive Traveler’s Inn alas 12:30 kahapon ng tanghali.
Narekober sa mga suspek ang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo, marked money na nagkakahalaga ng P700, Kawasaki Fury Motorcycle, ATM Cards, ilang mga Id’s, mobile phones at iba pang mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Cabico na noon pang Lunes nila minamanmanan ang dalawa at nung makatiempo ang mga pulis ay pinasok nila ang nasabing Inn.

Ayon sa report kararating lamang umano ng dalawa buhat sa Digos City sa bahagi ng Davao del sur matapos mag-deliver ng kanilang stocks na shabu sa mga pinaniniwalaang mga customer ng mga ito.

Ang stocks ng nasabing ipinagbabawal na gamot na dinideliver ng mga ito ay galing sa Datu Montawal, Maguindanao at sa bayan ng Pikit, North Cotabato at isa lamang ang lungsod ng Kidapawan sa mga sinasabing ‘bagsakan’ nila sa Central Mindanao, ayon kay Cabico. 

Maliban dito, idinadawit rin umano ang anak ng nasabing mag-asawa sa drug trafficking at sa katunayan, naaresto na rin ang anak nila ilang buwan na ang nakakraan sa buy bust operation sa lungsod.

Sinabi pa ni Cabico na tinangka din siya umanong bigyan ng lagay ng mag-asawa sa halagang P200 thousand pesos, subalit tumanggi ang opisyal.

Sa kabila nito, desidido ang opisyal na magsasampa ng kaso laban sa mag-asawa kontra sa kampanya nila sa illegal na droga.

Si Cabico ang pinakabatang Police chief ng Kidapawan city PNP na inilagay sa pwesto matapos mangyari ang February 19 attack sa City Jail na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento