(Kidapawan
City, March 22, 2012) ---Aminado ngayon si Agham party-list Representative
Angelo Palmones na nangangalap na sila ngayon ng mga ebidensiya para magkaroon
ng batayan ang isasampa nila’ng class suit laban sa National Grid Corporation
of the Philippines o NGCP at iba pang sangkot sa umano ‘economic sabotage’ na
dala ng ‘artificial power shortage.’
Kahit
ipangalandakan pa raw ng NGCP na totoo at hindi ‘artipisyal’ ang power
shortage, ayaw naman ito’ng paniwalaan ng marami.
Maging
ang Mindanao Development Authority o MINDA, ayon kay Representative Palmones,
ay naniniwalang ‘artipisyal’ ang krisis sa kuryente.
Dahil
dito, pursigido si Palmones at ang ilan pang mga mambabatas mga LGU officials
mula sa Mindanao na magsampa ng class suit.
Hinikayat
ni Palmones ang mga power consumers mula sa North Cotabato na suportahan ang
kanilang plano.
Sa
panig naman ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan, sinabi ni City councilor
at Engineer Mario Flores na susuporta siya sa naturang hakbang.
Ayon
kay Councilor Flores, maghahain siya ng resolusyon sa Sanggunian bilang suporta
niya sa isasampang class suit laban sa NGCP at iba pang mga sangkot sa
‘artificial power crisis’ sa Mindanao.
Dito
sa North Cotabato, abot sa walong oras ang brownout: 2 oras at 40 minuto sa
umaga, ganon din sa hapon, at sa gabi.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento