Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Electronic helmet na nakaka-detect ng drunk driving naimbento ng mga estudyante sa Kidapawan City

(NDKC, Kidapawan City/March 20, 2012) ---Bago lamang ay naimbento ng mga estudyante ng Notre Dame of Kidapawan College o NDKC ang isang klase ng helmet na puwede’ng maka-detect ng drunk driving, ito ay sagot umano sa sa lumalalang problema sa nakawan ng motorsiklo at pagmamaneho ng lasing.


Ayon sa isa sa mga inventor na si Bryan Ray Lumbayan, kapag isinuot ng lasing na driver ang helmet, made-detect ng sensor ng motorsiklo na siya ay nasa impluwensiya ng alcohol.  

At kapag may nakasulat sa LCD display ng motorsiklo ng katagang, “You’re drunk”, hindi aandar ang sasakyan.   
Hindi rin aandar ang sasakyan kung hindi suot ang helmet.

Kaya’t sa pamamagitan ng electronic helmet na ito, ang batas na, “No Helmet No Travel Policy”, at pagbabawal sa “Drunk Driving”, ay mabibigyan ng lunas, ayon kay Lumbayan.

Kasama ni Lumbayan sa natatanging imbensyon ang mga Electronics Computer Engineering student na sina Rhodessa Faye Caro, Julius Caesar Lopez, at Darwin Benict James Zoilo.   Ang kanilang teacher-adviser ay si Engineer Marlou Galinato.

Una dito, nangako naman si Agham party-list Representative Angelo Palmones ng suporta sa naturang imbensyon.

Maging siya humanga rin sa gawa ng NDKC students, napag-alaman na si Palmones ay alumnus ng NDKC.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento