(Kidapawan City/March 24, 2012) ---Napipintong
isasapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.
Ang pribatisasyon ng mga
government-owned-and-controlled corporation tulad ng MKWD ay isa umano sa
ipinangangalandakan ngayon ng PNoy administration.
Sa pribatisasyon, ibebenta ng
gubyerno sa private firm ang kompanya, tulad ng MKWD.
Bawas sa gastos at bawas sa
alalahanin ang gubyerno kapag nangyari ito.
Pero ang hagupit nito sa mga
ordinaryong mamamayan, matindi, dahil ‘di ito napigil, posibleng magresulta ito
sa pagtaas sa presyo ng tubig.
Sinabi ni MKWD assistant general
manager, Engineer Sandy Alqueza, ang MKWD ay maituturing na ‘threatened life
support system’ dahil na rin sa planong pagsasapribado dito.
Maliban sa nagbabanta rin ng
pagkawasak ang pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa bahagi’ng ito ng North
Cotabato.
Nariyan ang banta ng pagto-troso,
kaingin, at land conversion, ayon kay Alqueza.
At para matiyak na protektado ang suplay
ng tubig sa Kidapawan City at Makilala, naghigpit sila sa pagpasok ng mga
Itinuturing nilang ‘illegal occupants’, lalo na sa Lapaan Dam.
May mga forest guards din ng MKWD na
nagbabantay sa kabukiran.
Samantala, tuluy-tuloy din ang tree
planting sa mga watershed, lalo na sa bahagi ng Cotabato province, para matiyak
ang ‘steady supply’ ng tubig sa mga water concessionaries ng MKWD.
Ang tubig na sinu-suplay ng MKWD ay
isa sa pinakamasarap na tubig sa buong Pilipinas kaya dapat itong protektahan
at pangalagaan, ayon kay Engineer Alqueza.
Si Alqueza ay isa sa tatlong mga
speaker sa ginanap na World Water Day sa AJ Hi-Time Hotel.
Naging tagapagsalita din sa forum si
Ferdinand Nunez, ang provincial manager ng National Food Authority o NFA-North
Cotabato, na ang ahensiya ay tulad din ng MKWD na may banta ng pribatisasyon;
at si Eliseo Mangliwan, ang provincial agriculturist na nagsalita patungkol sa
usapin ng food security.
Tema ng World Water Day celebrations
ngayong taon ang, “Katiyakan sa Tubig, Katiyakan sa Pagkain: Pangalagaan ang
mga Katubigan nang matamo ang Sapat na Pagkain Para sa Lahat.”
0 comments:
Mag-post ng isang Komento