Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay habang 1 kritikal sa nangyaring shooting incident sa Kabacan, Cotabato kagabi

(Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Dead on arrival sa ospital ang isang Anwarrudin  Usman habang kritikal naman ang isa pang kasama nito na nakilalang si Abdul Patah Haron makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspetsado sa boundary ng brgy Katidtuan at Osias alas 8:00 kagabi.


Sa panayam ng DXVL News kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga biktima ay nasa edad 18-23 taong gulang bagama’t patuloy pang inaalam ang address ng mga ito.

Dagdag pa ni Semillano na posible umanong mga estudyante ng USM ang mga biktima batay sa mga school records na kanilang nakuha.

Ang dalawa ay sakay sa kanilang motorsiklo buhat sa bayan ng Matalam papunta ng Kabacan ng sinusundan din ng isa pang mga riding in tandem at bigla na lamang dinikitan ang mga ito at pinagbabaril gamit ang .45 na pistol batay sa mga empty slug na narekober sa crime scene.

Tinamaan ang mga biktima sa ulo na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist habang di kalaunan ay isinugod sa isang ospital sa Kidapawan city.

Agad namang inatasan ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para sa ikadarip ng mga responsable sa nasabing krimen.

Sinabi naman ni Supt. Semillano na patuloy pa nilang inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril kungsaan agad naman silang nagsagawa ng dragnet operation para sa possible pagkakahuli ng mga suspetsado. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento