(USM, Kabacan, North Cotabato/March 26,
2012) ---Simula sa susunod na pasukan magiging apat na araw na lamang ang pasok
ng mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao matapos na maaprubahan ang
nasabing panukala sa katatapos na BOR.
Ito ang napag-alaman mula kay USM Pres Jess
Antonio Derije sa ginawang pag-aaral ng special committee na binuo ng Pangulo
bilang bench marking.
Aniya ang hakbang ay malaking tulong upang
makatipid ang pamantasan partikular na sa paggamit ng kuryente.
Malaking tulong din umano ito upang mas
maraming panahon na igugugol sa pamilya dahil gagawing non-working day ang araw
ng Biyernes, dahil ayon sa Pangulo ang Biyernes ay mahalagang araw sa mga
kapatid na Muslim upang sila ay magsambayang.
Bagama’t ang class day ay mula Lunes hanggang Biyernes mas pinalawig naman ang oras nito mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi na abot sa sampung oras ang klase na may noon time break na 12-1pm.
Ayon sa Pangulo, ang nasabing hakbang ay
ibinatay mula sa Central Luzon State University o CLSU kungsaan nakatipid sila
ng abot sa kalahating milyon sa naturang bench marking.(RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento