Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PESO Kabacan nagsagawa ng re-orientation sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood Program ng DOLE 12

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Nagsagawa ng re-orientation ang Public Employment Services Office (PESO) sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kabacan Gymnasium, kahapon ng umaga.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL news kay PESO Manager, Administrative Aid III, George S. Graza upang mapaalam sa mga aplikante ang hinggil sa bagong requirement na dapat i-submit ng mga ito sa DOLE.


Kung matatandaan noong makaraang taon November 2014 nagsagawa din ng orientation sa bawat Baranggay ng Kabacan.

Ayon pa dito, nagkaroon ng di klarong pagpapaliwanag sa aplikante kaya isinagawa ulit ang nasabing orientation.

Ayon dito ang bawat aplikante na may pare-parehong paninda tulad ng patil, halo-halo, shake at marami pang iba na nanganagilangan ng talento sa pagluluto ay dapat i grupo ayon sa uri ng paninda. Lynneth Oniot


0 comments:

Mag-post ng isang Komento