Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 katao nalason sa kinaing pansit at tuyo

(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Aabot sa labing-isang magsasaka ang nalason matapos mag-almusal ng pansit at tuyo sa gitna ng palayan sa Barangay Tubon, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa Amado Diaz Foundation Hospital ang mga biktimang sina Vincent John Bingil,18; Ruel Cueno, 28; Rolando Cedeňo, 46; Rolly Cabańog, 43; Bryan Libusada, 28; Jason Arco,16; Peter John Cadungog, 20; Francis Bingil,47; Joseph Bingil, 36; Christopher Corro, 21; at si Jerald Egoc na mga residente sa Barangay Central Katingawan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay Dr Manuel Rabara tagapamahala ng Amado Diaz Foundation Hospital nasa maayos ng kondisyon ang mga pasyente.

Sinabi ni Dr. Rabara na magkakasamang nag-almusal ang mga biktima matapos itong mag-harvest ng palay.

Gayon pa man, dalawang oras ang lumipas ay nahilo, nanakit ang tiyan at nagsuka ang mga biktima.

Dinagdag ni Rabara na sa pagsusuri ng mga doktor sa dumi ng mga biktima ay negatibo ito sa anumang kontaminasyon ng mikrobyo.

Agad namang inatasan ni Cot Governor Lala Taliño Mendoza ang mga doktor sa Amado Diaz Foundation Hospital na tutukan ang kalagayan ng mga biktima kung saan handa itong mag abot ng tulong kung kukulangin ang mga gamot. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento