(North cotabato/ January 19, 2015) ---Hinikaya’t
ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE XII ang mga kasambahay na
magpalista na sa kanilang tanggapan.
Sa panayam ng DXVL News kay Technical Support Services
Division Head ng DOLE 12 Ruby Carrasco upang kanila umanong makita kung ilan na
ang kasambahay sa rehiyon.
Isinasagawa ngayong araw January 19, ang
Information Dissemination sa nasasakupang probinsya ng North Cotabato patungkol
sa Batas Kasambahay at upang mahikayat ang mga ito na magpa-rehistro.
Dagdag pa nya ang naturang aktibidad umano
ay isinagawa upang bigyang pansin ang Araw ng mga Kasambahay at kasabay nito ay
maipaalam sa kanila ang kanilang mga karapatan bilang isang kasambahay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento