Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Inabandonang motorsiklo, inakalang may IED

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Negatibo sa anumang pampasabog ang isang motorsiklo na inabandona sa bahagi ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP iniwan ng di pa nakilalang lalaki ang kayang motorsiklo malapit sa outpost ng pulisya ng di nagpaalam ng sumakay ito ng Van papuntang Kidapawan City.

Kaya ng umabot ng isang oras na walang kumuha sa motorsiklo inakala ng mga otoridad na may suspected IED sa nasabing sasakyan.

Agad namang pinuntahan ng EOD team atplanung i-disrupt sana pero ng dumating ang may ari at kinuha ito.


Dahil sa insidente pansamantalang nabalam ang daloy ng trapiko sa National Highway. Rhoderick Beñez  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento