(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)---Kasalukuyang nagpapatuloy ang Fire Code Revenue Awareness Month ng Bureau of Fire and Protection o BFP ng Kabacan ayon sa panayam ng DXVL kay BFP Kabacan Assessor FO2 Brahim Guiamalon.
Ayon sa kanya, nakapaloob sa buong buwan ng Enero ang One Stop Shop ng LGU- Kabacan at isa ang kanilang tanggapan sa mga signatories sa pagkuha ng business permit na kung saan kasama sa mga babayaran ng mga kliyente ang Fire Code Fees.
Dagdag pa niya, sa araw na ito ay may 390 na mga kliyente ang dumaan sa kanilang tanggapan.
Mapupunta ang 20% na budget ng Fire Code Fees sa lokal na mga istasyon ng Munisipyo o Fire City para sa mga gamit ng istasyon, fire houses at maintenance ng truck.
Nagbigay rin ng mensahe si Guiamalon sa mga di pa nakakabayad na mag renew na sila ng business permit para maiwasan ang abala. Rizalyn Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento