Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay sa pagragasa ng baha sa Kabacan; USM Main Campus, pinasok din ng baha

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Niragasa ng tubig baha ang ilang bahagi ng Main Campus ng University of Southern Mindanao pasado alas 9:00 ngayong umaga lamang.


Ito matapos na umapaw ang tubig sa Kabacan river bunsod ng walang humapay na mga pag-uulan sa mataas na bahagi ng lalawigan ng North Cotabato.
Nagmistulang isang malawak na karagatan ang Kabacan River na nasa harapan lamang ng College of Education kungsaan mabilis na umapaw ang tubig hanggang sa harapan ng College of Arts and Sciences.

Bandang alas 10:00 ngayong umaga tuluyan ng napuno ng tubig baha ang Amphitheater at ang ilang paligid pa nito.

Pumasok na rin ang tubig baha hanggang sa CAS Annex kungsaan nagsilabasan ang mga estudyanteng kumukuha ng kanilang eksaminasyon.

Inabot na rin ng tubig baha ang harapan at likurang bahagi ng CAS kungsaan nakahimpil ang himpilan ng DXVL FM.
Maging ang tower ng DXVL ay binaha na rin at ang paligid nito, dahilan ng pansamantalang pagkawala sa ere ng istasyon.

Habang ginagawa ang balitang ito ay patuloy naman ang pagsaragasa ng tubig baha hanggang sa umabot na ito sa USM hospital at sa bahagi ng gusali ng CENCOM.

Sa report ni Kunektadong Allan Guleng Dalo, mula sa Rambutan at Pomelo plantation ay pinasok na rin ng tubig baha ang bahagi ng USM Housing kungsaan hanggang bewang na ang tubig doon.

Maging ang Cas Canteen at Hospital Canteen ay binaha rin.

Inilarawan pa ni Ka-kunektadong Allan Dalo sa kanyang ulat na maging ang mga upuan sa CAS park ay inabot rin ng tubig baha.

Agad namang nagsipulasan ang mga mag-aaral at guro sa nasabing mga kolehiyo ng rumagasa ang tubig baha sa paligid na gusali ng CAS.

Sa hiwalay na pag-uulat ni Kunektadong Cris Tuscano Jr., ay ang dami ng mga binahang bahay sa Plang village kungsaan ang iba naman ay nasa bubong nang kanilang tirahan.

May mga na trap na ring mga pamilya sa barangay Aringay na agad namang sinakluluhan ng rescue team.

Agad namang sumaklolo ang MDRRMC Kabacan sa mga apektadong residente.

Sa interbyu ng DXVL Kay USM President Francisco Gil. Garcia ngayong umaga ay kanya munang pansamantalang sinuspendi ang klase sa Pamantasan.

Panawagan din nito sa mga kawani na ang kanilang mga tirahan na binaha ay asikasuhin muna nila at ito ay excuse na lumiban sa kanilang opisina.

Nagpalabas na rin ng deriktiba si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa mga apektadong pamilya sa Plang Village na binaha na pansamantalang pumunta muna sa USM gym kungsaan doon inilikas ang mga apektadong residente.

Ilang oras bago rumagasa ang tubig baha sa loob ng pamatasan at sa bahagi ng Plang agad namang dumating ang Rescue team mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Team na tumulong sa mga residente na nabahaan.

Samantala, may ilangmga guro naman nan a trap ng baha sa Brgy. Nangaan, Pedtad at Salapungan matapos na naireport ang hanggang bewang tubig baha sa kanilang eskwelahan, ayon sa report ni Moro P’core director Zaynab Ampatuan.

Pasado alas 12 ngayong tanghali ay pansamantalang humupa ang tubig baha sa loob ng pamantasan.

Samantala, sa ipinarating na report sa DXVL News ngayong hapon ni MSWDO Susan Macalipat na kabilang sa mga barangay na naapektuhan din ng flash flood ay ang Bangilan, Bannawag, Malanduage, Pedtad, Buluan, Salapungan, Kayaga, Aringay, Poblacion, Dagupan at Sanggadong.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Lokal sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha kungsaan agad na nagbigay ng feeding program ang LGU sa USM gym kanina.
Nananawagan naman ng tulong ang Kabacan PNP community Relation Officer sa mga residente ng bayan na may mga damit na maari pang gamitin ay pwedeng dalhin sa USM gym para sa mga naapektuhan ng baha.

Kinukumpirma naman ng Disaster team ang ulat na may tatlong motorsiklo ang inanod ng malakas na baha sa bahagi ng Lumayong at dalawa katao ang naanod, pero patuloy pa itong beniberipika ang nasabing ulat.

Photo by: Jhar Didatar
Inaalam pa ng himpilang ito ang ulat kaugnay sa pagkawasak ng tulay sa brgy. Dagupan kungsaan stranded ang ilang mga motorista kanina

Bukod sa bayan ng Kabacan, niragasa din ng tubig baha ang ilang bahagi sa bayan ng Matalam, ayon sa mga text na ipinarating ng mga tagapakinig ng himpilang ito.

Liban dito, binaha rin ang bayan ng Pikit.

Dalawang bahay rin ang inanod sa bayan ng Magpet habang isang tao naman ang nalunod buhat sa Pres. Roxas na patuloy pang inaalam g PDRRMC.

Kinumpirma naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ngayong gabi sa panayam ng DXVL News na isa ang patay sa Brgy. Bangilan.

Sa report ni MDRRMC Head David Don Saure na kinilala ang biktima na si Brando Amores, 14-anyos na habang hinahabaol nito ang isang itik sa ilog ay nagkapulikat ito habang rumagasa na ang tubig baha.

Naagapan pang na rescue ng biktima pero di na ito umabot pa ng buhay sa USM hospital.

Samantala, isang 61-anyos na magsasaka ang inanod din ng baha sa bayan ng Arakan alas 5:30 kaninang madaling araw.

Photo by: Engr. Arnel Toledo
Sa report na ipinarating sa DXVL News ni PSI Rolly Oranza, hepe ng arakan PNP kinilala ang biktima na si Wennie Pastores Pajenado residente ng brgy. Makalangot ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, inanod ang nasabing matanda habang ito ay tumatawid sa ilog ng Makalangot ng rumagasa ang flashflood sa nasabing lugar bunsod ng malakas na buhos ng ulan kagabi.

Agad namang ginalugad ang ilog sa tulong ng rescue team at PNP recue team para mahanap ang nasabing matanda. Rhoderick Beñez














0 comments:

Mag-post ng isang Komento