Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS: Kabacan Public Market, binulabog ng pagsabog

(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa Public Market ng Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 6:00 ngayong gabi lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Kapitan Mike Remulta na isang market guard ang nakakita sa nasabing isang kahina-hinalang sako ng bigas kaya mabilis nitong inireport sa kapulisan.


Agad namang inalerto ang paligid at kinordon ng mga elemento ng kapulisan ang paligid partikular na malapit sa Demyar Eatery kungsaan nakalagay ang nasabing IED.

Hindi pa man nakarating sa lugar ang EOD ay sumabog na ito.

Sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay PCI Elnor Melgarejo, wala namang may naiulat nasaktan sa pagsabog at patuloy pang inaalam kung anung bala gawa ang nasabing IED.

Nagpasalamat naman ang pulis opisyal sa mamamayan sa pagiging vigilante ng taong bayan dahil na rin sa banta ng pamomoba sa lalawigan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento