(Sultan Kudarat/ January 21, 2015)
---Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Lalawigan ng Sultan Kudarat alas 4:33
ng madaling araw kanina.
Sa ulat ng Phivolcs, naramdaman sa buong
bahagi ng kanlurang Mindanao ang nasabing pagyanig.
Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong
70 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.
May lalim itong 620 kilometro at tectonic
ang origin o mga nagkikiskisang mga bato.
Samantala alas 7:29 ngayong umaga lamang ay
muling inuga ng 2.9 na magnitude na lindol ang nasabing lugar.
Asahan din umano ang aftershocks na maaaring
maranasan. Brex Bryan Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento