Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan HIV/ AIDS Free ---RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Walang naitalang kaso ng Human Immuno-deficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV/AIDS ang bayan ng Kabacan.

Ito ay ayon kay HIV Coordinator Ruth Passion ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni Passion kung paano nakakahawa o nakukuha ang sakit na HIV/AIDS.


Ipinaliwanag rin ni Passion ang ilan sa mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS.

Aniya, wala pang gamit na nadidiskubre para tuluyang mapagaling ang pasyenteng may HIV ang gamot dito ay para lamang mapabaha o prolong ang buhay ng isang HIV/ AIDS victim.

Dagdag pa niya, sa mga pasyente na gustong magpa counsel, merong libreng serbisyo na voluntary counseling testing sa health center ng Kabacan.


Nanawagan din si Passion sa mga Guest Relation Officer o GRO na nagtatrabaho sa mga video K bars na magpa check up tuwing Huwebes sa health center upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS. Christine Limos 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento