Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga karapatan ng mga kasambahay tiniyak ng DOLE 12

(Kabacan, North cotabato/ January 20, 2015) ---Tiniyak ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 na matatamasa ng mga kasambahay ang kanilang mga karapatan alinsunod sa ipinatupad na Kasambahay Law.

Ang Batas Kasambahay o Kasambahay Law, RA 10361 ay naipatupad noong Hunyo 4 taong 2013.


Malaking pag-usad ito dahil sa tinagal- tagal ng panahon at sa dami ng mga taong naghahanap- buhay bilang kasambahay, ngayon lang naisabatas ang mga karapatan ng isang kasambahay at ng kanilang amo.

Ayon sa panayam ng DXVL NEWS kay Technical Support Services Division Head ng DOLE 12 Ruby Carrasco kabilang umano sa mga karapatan ng mga kasambahay ang makakain 3 beses sa isang araw, ang magkaroon ng sapat na tulugan, medical assistance, privacy, at access to outside communication at kung maari daw umano ay magkaroon din sila ng access to education and training at iba pa.

Inihayag din ni Carasco ang rate ng pasahod sa mga kasambahay depende sa munisipalidad.
VC: Carasco 1
Nanawagan din si Carasco sa mga kasambahay na minamaltrato ng mga amo na maaring magsumbong sa mga opisina ng DOLE 12. Christine

0 comments:

Mag-post ng isang Komento