(Kabacan,
North Cotabato/ January 23, 2015) ---Suspendido muna ang mga pagsusulit sa
University of Southern Mindanao Kabacan ngayong linggo dahil sa pag- apaw ng
Kabacan River na nagresulta sa pagbaha sa ibang bahagi ng unibersidad
partikular na sa College of Health and Sciences, College of Arts and Sciences,
CAS annex, USM Hospital, at ang pinakaapektadong bahagi ay ang Plang Village.
Ini-re-schedule ang exams sa sususnod na linggo. Yan ayon kay USM Pres. Francisco
Gil. N. Garcia
Samantala,
nagbigay din ng deriktiba si Pres. Garcia sa Physical Plant Director at sa USM
Head Security na patuloy na magmonitor at magmanman kung sakaling tumaas pa ang
tubig.
Sinabi
rin ni Pres. Garcia na may ibinigay din na tulong ang University Student
Government o USG sa mga estudyante na sinalanta ng bahay. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento