Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan, isinailalim na sa state of calamity


(North Cotabato/ January 24, 2015) ---Isinailalim na sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan noong Biyernes.
 
Ito ayon kay Vice Mayor Mayra Dulay Bade sa panayam ng DXVL News.

Ang hakbang ay ginawa ng Sanggunian matapos ang report na abot sa apat na libung pamilya ang naapektuhan ng nakaraang pagbabaha sa bayan ng Kabacan.

Ang special session ay ginawa noong Biyernes batay naman sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council. 

Una ng nagpalabas ng deriktiba si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na bigyan ng tulong ang lahat ng mga nasalanta ng mga pagbabaha sa bayan.

Magagamit na rin ng LGU ang 5% na calamity Fund nito matapos ang nasabing deklarasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento