(North
Cotabato/ February 1, 2015) --- Arestado ang 52-anyos na dating barangay
kagawad at dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos
makumpiskahan ng iba’t ibang baril at bala sa isinagawang raid ng mga operatiba
ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Tanuel, bayan ng Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga.
Pormal
na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Sadad Salik Akob matapos arestuhin sa
bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Cotabato Regional
Trial Court Branch 13.
Nakumpiska
mula sa loob mismo ng bahay ni Akob ang isang baret, carbine, M-79 rifle, cal.
45 pistol, 380 pistols at dalawang rifle grenade.
Nasamsam
din ang mga bala ng M-203, 12-gauge shotgun, 65 ng cal. 7.62 pistol, 11-bala ng
baret , 20 bala ng cal. 45 pistol, apat magazine ng M-16 rifle, magazine para
sa M14 rifle at ang cal. 380.
Gayon
pa man, walang maipakitang kaukulang papeles si Akob na magpapatunay na legal
ang pagkakabili ng mga armas at bala.
Samantala,
sinabi naman ni CIDG-Central Mindanao P/Supt. Jun Caduyac na bineberipika ang
pinagmulan ng mga baril at bala. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento