Ito ayon kay P/SSupt. Danilo Peralta, Cotabato Police
Provincial Director sa panayam sa kanya ng DXVL News upang maiwasan ang spill over ng nasabing kaguluhan.
Bagama’t hindi pa kinumpirma ng opisyal kung ilan ang
bilang ng namatay sa nasabing sagupaan, nilinaw naman nito na may namatay ng
miyembro ng SAF.
Batay sa ulat ng PNP Intel umaabot na sa 11 ang naiulat
na namatay sa grupo ng Special Action Force o SAF at di pa mabilang sa panig ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa engkwentro sa Brgy. Pidsanbawan
sa nasabing lugar.
Sa ulat ng kapulisan, tatlong High Powered Firearms ng
PNP SAF ang narekober ng grupo ni Kumander Visayan a buhat sa pangkat ng BIFF.
Habang dalawa naman ang kumpirmadong namatay sa pangkat
ni Kumander Resbak ng 105 based Command ng MILF na kinilalang sina Kansa at
Sala.
Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ang sagupaan
sa nasabing lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento